Dear Ateneo and Miriam Community,
cc: DPWH at MMDA

Alam po ninyo at maaring napapansin na din po ng lahat ng Pilipino na dumadaan sa Katipunan na isa po talaga sa dahilan ng matinding trapik duon ay dahil nadin po sa dami ng sasakyan na pumupunta o lumalabas mula sa inyong mga paaralan. Gaya na lamang po nung Lunes na dineklara na walang pasok sa lahat ng antas eh talaga nga namang nagluwag ang trapiko duon. Ito po ay ebidensya na talagang malaking bahagi po ang inyong komunidad sa matinding trapik duon at dahil po doon maari po ba akong humingi ng request?

Hindi ko po hihingilin na maging mahirap kayo at wag ng magsasakyan at maglakad na lamang ang akin lamang pong hihilingin ay baka maari pong maibahagi ninyo ang malawak ninyong lupain para sa pagpapa-widen ng Katipunan? Kung papansinin niyo po na ang bahagi na po kung saan pwedeng i-widen ay isang malaking field lamang po at tlgang maaring ipamahagi para sa ikaluluwag ng Katipunan.

Alam ko pong mahirap gawin ito dahil ang lupa ninyo ay pribadong lupa pero ako po naniniwala na may malasakit po kayo sa publiko kaya alam kong kaya niyo po itong gawin.

Panawagan din po sa DPWH at MMDA na tignan ang aspeto na ito. Hindi po ako eksperto sa TRapiko o isang Engineer pero ito po ay naisip ko lamang sa pag-oobserba at sa palaging pagdaan sa Katipunan.

Kung may pagka-bobo po itong aking suhestiyon ay maari niyo rin po ba akong sabihan at paki-explain bakit bopols ang akung suhestiyon?hehe!

Salamat po!

Gumagalang,

Mamayan na sawa na sa trapik

PS. Kung kayo po ay naniniwala sa suhestiyon na ito maari lamang pong pakibahagi ito para talagang makarating sa mga kinauukulan.

About Ace!

Technology Transfer and Business Development Officer Office of the Vice Chancellor for R&D, UP Diliman Organizational communication Graduate University of the Philippines Manila President - QCPACE- UMYF Vocalist- Footlong, Rapid Pagongs Member- ALAB Judah and PUMC Worship team

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s